Dan Villegas sa ipinaglalaban ng ‘Kitty K7’ tungkol sa mga cam girl: ‘Hindi porke naghuhubad ako ay bastos ako’
IBINASE sa buhay ng isang “cam girl” ang kuwento ng bagong Vivamax sex-drama movie na “Kitty K7” na pinagbibidahan ni Rose Van Ginkel.
Ikinuwento ng producer ng “Kitty K7” na si Direk Dan Villegas kung paano nagsimula ang konsepto ng pelikula at kung anu-ano ang nais ipaglaban nito sa mga manonood.
Ayon kay Direk Dan, mismong ang Viva Entertainment ang nakipag-usap sa kanila ng kanyang fiancé at kapwa direktor na si Antoinette Jadaone (may-ari ng Project 8 Productions) na gumawa ng kakaiba at interesting project para sa Vivamax.
“Actually it started out when Viva asked us Project 8 to do something sexy tapos we didn’t want it to just kumbaga another film and we wanted it to be special.
“Plus isa pa, parang we thought it would be better to have a female director para yung sensibilities niya hindi todong nao-objectify yung babae, na kumbaga it’s seen through the point of view of a woman.
“So yes may nudity siya pero hindi siya kumbaga basta makapagpakita lang ng nudes. So du’n nag-start yung idea tapos naglalaro kami sa idea,” simulang pagbabahagi ng director-producer tungkol sa “Kitty K7” sa virtual mediacon ng movie.
View this post on Instagram
Chika pa ni Direk Dan, ang lead character sa pelikula na si Hanna na ginagampanan nga ni Vivamax bombshell na si Rose Van Ginkel ay inspired ng actual online personality — si Salome Salvi.
“Kasi there’s this popular cam girl on Twitter, si Salome Salvi. She’s very popular tapos nagsimula siya sa mga alt tapos eventually naging cam girl na siya.
“Tapos we interviewed her, found out her story tapos nag-usap kami ni direk Joy and si Pam yung writer tapos we really liked it na kumbaga cam girling is a job. Na it should be respected.
“Halimbawa, like how prostitution works in Amsterdam, it’s legal there eh. Dahil legal siya, nagkakaroon ng rights yung babae or yung lalake.
“Then na-unionize sila, they pay taxes, protektado sila ng government, they get tests. Na parang yun din yung ipinaglalaban ni Salome nu’ng nag-uusap kami na dapat itrato ito na parang trabaho. This is work, di ba?
“So isa yun sa mga statements na nandu’n sa pelikula na hindi porke naghuhubad ako ay bastos ako,” esplika ng direktor.
Paliwanag pa niya, “Merong fine line between that, eh. The same way that there is a fine line between erotica and pornography. I read somewhere na erotica is using a feather and pornography is using the whole chicken.
“So we were trying to use the feather for this and kumbaga mas naging sensitive kami du’n sa story and siyempre nilagyan na namin ng kung anong embellishments yung kuwento niya and ayun, we’re so happy with the output of the film,” sabi pa ni Direk Dan.
Ang “Kitty K7” ay sa direksyon ni Joy Aquino at mapapanood na simula sa July 8 sa Vivamax Philippines at iba pang bansa sa Asia. Makakatambal dito ni Rose Van si Marco Gallo na game na game rin sa paggawa ng mga sex scenes.
Antoinette Jadaone palaban kapag may issue sila ni Dan Villegas: Hindi talaga ako nagpapatalo
The post Dan Villegas sa ipinaglalaban ng ‘Kitty K7’ tungkol sa mga cam girl: ‘Hindi porke naghuhubad ako ay bastos ako’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments