‘Cheating’ hugot ni Zanjoe: Huwag ka nang maghiganti, huwag mo nang dalhin yun sa susunod na chapter ng buhay mo
GRABE naman talaga ang naging epekto ng Kapamilya family drama series na “The Broken Marriage Vow” sa mga manonood na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria.
In fairness, talagang nagmarka sa televiewers at mga netizens ang mga iconic scenes sa Pinoy version ng “Doctor Foster” (British series) at “The World of the Married” (Korean drama).
Sa huling tatlong linggo ng “The Broken Marriage Vow”, siniguro nina Direk Andoy Ranay at Connie Macatuno na ikagugulat n’yo ang mangyayari kina David Ilustre (Zanjoe Marudo), Dr. Jill Ilustre (Jodi Sta. Maria) at Lexy (Sue Ramirez).
Sa nalalapit na pagtatapos ng kuwento, natanong ang cast members ng “The Broken Marriage Vow” sa ginanap na finale presscon ng serye kamakalawa, kung ano ang natutunan nila sa kani-kanilang karakter.
Ayon kay Jane Oineza, playing Diane Riagon na siyang tumulong kay Dr. Jill para makumpirma ang pagtataksil ni David, mahalagang mahalin muna ang sarili.
“More on learning to love herself and unahin din ‘yung sarili and what she needs and learning to let go of someone that you love kasi hindi talaga kayo swak or hindi niyo nalalabas ‘yung best ng isa’t isa,” sabi ni Jane.
Sey naman ni Sue na gumaganap na kabit sa serye, “You also have to learn how to listen to the people around you. ‘Yung siguradong-sigurado ka na hindi ka ile-let down. your parents, how si Lexy was loved by her mom and her dad.
“You really have to give value to the people who take care of you and hindi mo lang pwedeng ipilit nang ipilit ‘yung gusto mo.
“Aabot ka talaga roon sa point na kailangan mo nang mag-decide at kailangan mong makinig sa mga taong nagmamahal sa’yo. Kailangan tantiyahin mo rin kung kailan mo kailangang makinig,” dagdag niya.
Ito naman ang sey ni Ketchup Eusebio, “Hindi mo talaga mabibigyan ng justice ‘yung infidelity pagdating sa pamilya. Magiging baon ko ‘yun lalo na’t bumubuo ako ng sarili kong pamilya. Lesson learned para kay Charlie (ang karakter niya sa serye).”
Lahad naman ni Zaijian Jaranilla, ang anak nina Jodi at Zanjoe sa programa, “Si Gio parang bine-blame niya lagi ‘yung sarili niya kung bakit nangyari ‘yung sa family niya kaya naging open-minded siya ‘yung ‘yung natutunan ko kay Gio lalung-lalo na ‘yung pag-control ng emotions niya.”
Chika ni Zanjoe Marudo, “Kung anuman ‘yung pinakamapait o kung anuman ‘yung hindi magandang nangyari sa past lalo na nu’ng ikaw pa ‘yung anak tapos ikaw na ‘yung bumubuo nu’ng pamilya sana huwag mo nang bitbitin.
“Huwag ka nang maghiganti, huwag mo na siyang dalhin sa susunod na chapter ng buhay mo kasi ikaw naman talaga magdi-direct kung saan ka pupunta … nasa sarili mong desisyon ‘yun, lahat ng bagay. Kasi kung punong-puno ka ng galit at paghihiganti pati mga taong kasama mo sa present, maaapektuhan, madadamay lalo na ‘yung magiging anak,” dagdag ng aktor.
Sinang-ayunan ni Jodi ang paliwanag ni Zanjoe, “Our lives will only move in the direction of our decisions so we have to really choose wisely.
“Choose our battles if you’re given the chance to fight or to let go, that’s up to you but if you were given the chance to treat the person the same way that that person treated you, I always hope that we choose the high road and we always choose to do better,” paliwanag ng aktres.
Napapanood pa rin ang “The Broken Marriage Vow” weeknights sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11, and TV5. It is also available on iWantTFC and Viu.
Zanjoe apektado sa ‘bugbugan’ scene nila ni Jodi: Nanginginig ako, medyo traumatic yung nangyari
Jodi may natutunan sa karakter bilang Dra. Jill Ilustre: There is always a life after a heartbreak
The post ‘Cheating’ hugot ni Zanjoe: Huwag ka nang maghiganti, huwag mo nang dalhin yun sa susunod na chapter ng buhay mo appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments