Responsive Ad

Awra sa mga collector ng branded stuff: Dapat magagamit mo hindi lang idi-display, kung gusto mong mag-display, bili ka na lang ng paintings

Awra Briguela

“ANG mahal-mahal tapos sasayangin mo lang, masisira at mabubulok.” Yan ang isa sa mga advice ni Awra Briguela sa mga mahilig bumili ng branded stuff.

Isa ang Kapamilya youngstar sa mga kabataan ngayon na talagang nag-iipon para makabili ng mga gusto nilang kagamitan na hindi biro ang halaga.

Kaya naman lahat ng kanyang designer items ay talagang inaalagaan at iniingatan niya — at higit sa lahat palagi niyang sinusuot at hindi lang basta idini-display.

Sa isang video, inisa-isa ni Awra ang mga tips para sa tamang pagbili ng mga luxury items gamit ang pinaghirapang pera mula sa pagtatrabaho nang bonggang-bongga.

Unang-una raw, “Make sure na magagamit mo siya at hindi lang siya ipangdi-display. Kasi kung gusto mong mag-display, bili ka na lang ng paintings.

“Make sure na hindi siya maiimbak sa bahay niyo and make sure na lagi mo siyang magagamit para masabi mo sa sarili mo na, ‘deserve ko talaga ‘to,'” aniya pa.

Kasunod nito, nagbahagi rin si Awra na unang nakilala noon bilang sidekick ni Coco Martin sa seryeng “Ang Probinsyano”, ng ilang tips para sa tamang pag-aalaga at maintenance ng mga designer items tulad ng bags at sapatos.

“‘Yung bibilhin mo dapat sure ka na gustong-gusto mo talaga. Make sure na aalagaan at mamahalin mo ‘yung item na bibilhin mo.

“Kasi ‘di ba, sayang naman ‘yung presyo. Ang mahal-mahal tapos sasayangin mo lang, masisira at mabubulok,” diin pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)


Sa nasabing video, ipinakita rin ni Awra ang ilan sa kanyang mga branded sneakers, designer bags at accessories na ang ilan ay iniregalo sa kanya ng kanyang celebrity friends tulad nina Vice Ganda at Zeinab Harake.

Kuwento pa ni Awra, “Siguro ‘yung pinakamahal na nabili ko para sa sarili ko is ‘yung mga sapatos, noong nag-start ako mag-collect ng Jordan.

“Pero ‘yung mga designer items like ‘yung mga bags and accessories, ilang beses pa lang ako bumili for myself.

“Lahat ng sapatos na kino-collect ko, hindi ako natatakot na i-crease siya. Kasi ‘di ba, binili mo ‘yon, and ‘yung sapatos ginawa para gamitin. Pero naiintindihan ko rin naman ‘yung mga taong iniingatan (ang mga sapatos nila),” chika ni Awra.

Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Awra Briguela may patama kay Skusta Clee: Kapal din nung mukha ng isa dyan

Awra natakot nang tinawagan ng GMA; inakala na scam lang

The post Awra sa mga collector ng branded stuff: Dapat magagamit mo hindi lang idi-display, kung gusto mong mag-display, bili ka na lang ng paintings appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments