Responsive Ad

Alex Gonzaga kinuyog ng netizens matapos magreklamo sa internet provider: Dapat unity palagi

Alex Gonzaga kinuyog ng netizens matapos magreklamo sa internet provider: Dapat unity palagi
PINUTAKTI ng mga netizens ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga dahil sa pagra-rant nito sa social media ukol sa pagkakawala ng kanyang internet connection.

Sa kanyang Twitter account ay hindi napigilan ng asawa ni Mikee Morada na maglabas ng saloobin ukol sa pagkawala ng kanyang internet.

“PLDT please fix my internet sa condo. I’ve been paying for 4 months na wala ako internet. Grabe kayo mag-remind to pay monthly pero lagi padelay kayo para ayusin. Pls pls fix kasi ayaw nyo kami pansinin privately,” saad ni Alex sa kanyang Tweet.

Agad namang nag-reply ang PLDT sa tweet ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

“Let’s have it fixed, @Mscathygonzaga. Kindly send us your PLDT account or telephone number and registered mobile number via DM for proper checking. We’ll attend to your service restoration request as soon as possible. Thank you and we sincerely apologize for the inconvenience,” tugon ng PLDT.

Speaking of Toni Gonzaga, aware naman ang lahat na panalo ang sinusuportahang kandidato nito na sina President-elect Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte-Carpio kaya naman ang mga netizens ay tila about “unity” ang mga naging comment patungkol sa hinaing ni Alex.

Saad ng netizen, “Reklamo ka ng reklamo. NPA ka po siguro? Sunod na lang po tayo. UNITY AND RESPECT. No to negativity po.”

“Grabe ka naman manira… 4 months lang naman walang serbisyo. Pano yung mga buwan na meron ang internet service ninyo? Diba may nagawa naman sila? Respect na lang,” sey naman ng isa pa.

Dagdag pa ng isa, “Move on na po. Four months na pala itong issue na ito. Hindi makakatulong sa bansa ang sobrang batikos. Dapat unity palagi.”

Anyways, bago pa man ang tweet ni Alex ukol sa pagkawala ng kanyang internet connection ay nauna nang tawagin ni Pokwang ang pansin ng naturang internet service provider.

Wala pa namang update ang TV host-vlogger kung kumusta na ang kanyang internet.

Related Chika:
Toni Fowler ‘dinibdiban’ si Alex Gonzaga, ibinunyag ang kandidatong sinusuportahan

Alex Gonzaga na-swindle ng P80M, nangutang ng P3M kay Small Laude

Alex Gonzaga binati sina Toni at Mommy Pinty: Continue to keep glowing as the years pass!

The post Alex Gonzaga kinuyog ng netizens matapos magreklamo sa internet provider: Dapat unity palagi appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments