Responsive Ad

Terence Romeo inireklamo ng mga investors ng poultry business na kanyang inendorso

Terence Romeo inireklamo ng mga investors ng poultry business na kanyang inendorso

NAHAHARAP ngayon sa kaliwa’t kanang reklamo and PBA player na si Terence Romeo dahil sa diumano’y pagiging parte niya sa isang poultry business.

Ayon sa report ni Emil Sumangil sa “24 Oras” nitong March 8, may mga investors na nagreklamo matapos na hindi matupad ang ipinangakong return of investments ng nasabing negosyo na isa sa mga inendorso ng PBA basketball player.

Sa kwento ng isang investor na si Marco, hindi niya tunay na pangalan, ay pinangakuan sila na kikita ng 25% monthly ang kanilang investment.

“Bibili ka ng chicks at ‘yung chicks na ‘yun sila ang magpapalago sa farm nila then meron kang makukuha na dibidendo every month. Noong mga unang buwan okay po sila pero noong tumagal, nagkaroon po ng delays,” pagbabahagi ni Marco.

Aniya, agad siyang naengganyo na mag-invest dahil bukod sa farm tour at magarbong events ay star-studded rin ang mga nag-eendorso ng poultry business at kasama na nga rito si Terence Romeo.

“Kami ay siyempre agad na nagtiwala dahil star-studded at the same time star player, ‘yun ang pinakapinanghawakan namin,” dagdag pa ni Marco.

Ngunit makalipas nga ng ilang buwan ay hindi na nga raw mahagilap nila Marco ang kanilang kausap.

Isa sa mga pinaghahawakan niyang ebidensya ay ang bounced check na in-issue sa kanila na nakapangalan kay Terence Romeo.

Kwento pa ni Marco, ayaw sana nilang palakihin at gusto lang nilang i-settle kaya nakipagkita sila ngunit ayaw daw makipag-settle ng kabilang kampo.

Samantala, isa pang investor na si “Barbie” ang nagreklamo kay Terence Romeo patungkol sa diumano’y investment scam na kinasasangkutan nito.

“Una, pinakita po sa amin yung farm, pangalawa mineeting po kami. Ayun, pinakilala sa amin si Terrence Romeo din tapos nagpakita ng mga pictures, ganyan, tapos ‘yung mga nag-invest,” pagbabahagi ni Barbie.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Terrence Bill Romeo (@tbvrome07)

 

Pero nang maglabas na raw sila ng pera ay nagkaroon na raw ng iba’t ibang dahilan hanggang sa wala nang bumalik na pera sa kanila.

Aniya, sa kaniyang in-invest na 2 milyon ay P50,000 lamang ang pera niya at ang iba ay mula sa kanyang mga kasamahang guro na napilit niyang mag-invest sa poultry business.

Pakiusap niya, “Kahit ibalik lang po ‘yung kapital ng mga tao. ‘Yun lang naman po ‘yung inaano ko sa kanila para hindi magkaroon ng siraan, hindi magkaroon ng problema. ‘Yun po, kasi nagtiwala po kami e.”

Nakapagsampa na ang mga investors ng formal complaint sa NBI at nangako naman ang mga ito na tutulungan sila sa kanilang problema.

Sinubukan naman ng Bandera na hingin ang panig ni Terence Romeo hinggil sa isyu ngunit wala pa rin kaming nakukuhang sagot mula sa basketbolista.

Nananatili namang bukas ang aming tanggapan para sa magiging pahayag ng PBA star player ukol sa kinasasangkutang kontrobersya.

Related Chika:
Beatrice Pia White nabaon nga ba sa utang dahil sa bisyo ng asawang si Terrence Romeo?
Xian Gaza tinawag na ‘daks’ si Terrence Romeo; wala raw respeto sa ‘Bro Code’

The post Terence Romeo inireklamo ng mga investors ng poultry business na kanyang inendorso appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments