Kokoy na-challenge sa pagganap bilang Aga Casidsid sa #MPK: Grabe ‘yung hirap na dinanas ko
SURE na sure kami na aabangan ng Kapuso viewers ang espesyal na episode ng “Magpakailanman” ngayong gabi sa GMA 7. Bibida rito ang Kapuso actor na si Kokoy de Santos kung saan bibigyang buhay niya ang kuwento ni Mark Joseph “Aga” Casidsid, ang kilalang blind marathon runner.
Ayon kay Kokoy, napakarami niyang natutunang life lessons habang ginagawa ang nasabing episode ng #MPK hosted by Mel Tiangco.
“Kailangan n’yong abangan itong episode na ito dahil maraming-marami kayong aral na mapupulot dito.
“Kasi ako personally, noong nagte-taping kami, ang dami kong nakuhang aral. Tingin ko, lagi ko na ring babaunin ‘to,” ang pahayag ng binata tungkol sa makulat at inspiring na buhay ni Aga.
View this post on Instagram
Napaka-challenging din daw ng role niya rito dahil bukod sa aktingan ay kinailangan pa niyang magsuot ng prosthetics para maging makatotohanan ang kanyang pagiging bulag.
“Habang tine-taping namin ‘yun, ‘yung contact lens, ‘yung lenses na nakalagay sa akin, wala po talaga akong nakikita at all.
“Grabe ‘yung hirap na dinanas ko noong taping na ‘yun,” kuwento pa ni Kokoy.
Kaya naman talagang inspiring para sa kanya ang kuwento ni Aga, “Isipin n’yo what more kung halimbawa sa inyo ‘yun [nangyari], talagang mahirap.
“Mahirap talaga pero si Aga, hindi naging hadlang ‘yun para makamit ang mga pangarap at goals niya sa life,” sey pa ng Kapuso actor.
Dagdag pa ni Kokoy, “Makakasama po natin dito si Ms. Snooky Serna, Sir William Lorenzo, Marx Topacio, Kristoffer Martin at siyempre, ako po, Kokoy de Santos. Maraming maraming salamat, mga Kapuso at see you!”
Mapapanood ang fresh at brand new episode na “The Blind Runner: The Mark Joseph ‘Aga’ Casidsid Story,” tonight, 8 pm sa #MPK.
Related Chika:
‘Gameboys 2’ nina Elijah at Kokoy mas maraming pasabog; magsasama na sa bahay
Kokoy, Elijah may chance magkagustuhan in real life?
The post Kokoy na-challenge sa pagganap bilang Aga Casidsid sa #MPK: Grabe ‘yung hirap na dinanas ko appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments