Bianca na-challenge sa pagpapatawa sa ‘Mano Po Legacy: Ibang animal din ang comedy, ang hirap!
EXCITED na ang Kapuso actress na si Bianca Umali na mapanood ng publiko ang upcoming GMA Telebabad romantic comedy series na “Mano Po Legacy: Her Big Boss.”
Bukod daw kasi sa nakaka-happy at nakaka-good vibes ang kuwento at konsepto ng bago niyang project ay first time rin niyang makakatambal sina Ken Chan at Kelvin Miranda.
Gaganap dito si Bianca bilang si Irene Pacheco, ang bubbly assistant na maiipit sa pagitan ng geeky boss na si Richard Lim (Ken) at ideal boyfriend na si Nestor Lorenzo (Kelvin).
Aniya, ibang-iba naman ito sa mga nagawa niyang teleserye na pawang mga heavy drama, “I believe po na ‘Her Big Boss’ will be very different and exciting.
“Kung ikukumpara kami sa story ng unang season ng ‘Mano Po Legacy,’ this one is very light, very airy, and happy. Ganoon ang gusto naming i-serve,” sey ng dalaga.
Siguradong matutulog daw ng may ngiti sa labi ang Kapuso viewers gabi-gabi kapag tumutok sila sa “Her Big Boss.”
“In spite of what’s happening today, we want viweres to see our show as ‘yung bakasyon nila — ‘yung bakasyon nila para tumawa, para sumaya. We want to send kilig and happy vibes to everyone as well,” paniniguro ni Bianca.
Dugtong pa ng Kapuso at Sparkle star, “Another thing that makes this exciting for me it is my fist time working with Ken and almost everyone else here on this project. Sobrang nakakatuwa.”
Samantala, dahil nga nasanay sa drama, talagang naging extra challenge kay Bianca ang pagsabak sa larangan ng pagkokomedya na isa rin sa dapat abangan sa serye.
“Siguro na-underestimate ko ang meaning ng comedy. Hindi siya pahinga from drama. It’s something else. It’s as good as doing a heavy drama series. Ibang animal din ang comedy.
“Akala ko ang comedy, basta nakangiti ka, ‘yon na ‘yon. Basta tumatawa ka on screen, ‘yon na ‘yon. ‘Di po pala. Ibang klase rin siya ng hirap, challenge, and it’s not less of an effort sa pag-arte,” sabi ni Bianca.
Sa katunayan, mas bumilib at mas tumaas pa ang paghanga niya sa mga komedyante, lalo na kay Pokwang na isa sa mga co-star niya sa “Her Big Boss.”
“Matagal ko nang napapanood ‘yan at talagang nakakatawa. Nung nakasama ko siya in real life, ang sarap katrabaho. ‘Yon ang tunay na nagpapasaya ng tao. Hindi lang on cam pero pati off cam,” kuwento pa ni Bianca.
Ang “Her Big Boss” ang pangalawang kuwento mula sa “Mano Po Legacy”, ang serye na tungkol sa pag-ibig, pamilya, at tradisyon ng mga Filipino-Chinese.
Bukod kina Bianca, Ken at Kelvin, makakasama rin sa bagong primetime series ng GMA sina Pokwang, Teejay Marquez, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Arlene Muhlach at marami pang iba, sa direksyon ni Easy Ferrer.
Magsisimula na ang “Mano Po Legacy: Her Big Boss” sa March 14, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!
Bianca Umali payag maging isa sa legal wife ng Muslim: Kung worth it naman po, bakit hindi…
Sunshine nagpagupit agad ng hair para sa Mano Po Legacy: Kulang na lang tumambling ako sa tuwa!
The post Bianca na-challenge sa pagpapatawa sa ‘Mano Po Legacy: Ibang animal din ang comedy, ang hirap! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments