Responsive Ad

‘Quick trip’ post ni Heaven Peralejo sagot nga ba sa ‘Quick getaway’ paandar ng bagong GF ni Kiko?

Heaven Peralejo, Janelle Lewis at Kiko Estrada

                                           

“QUICK trip with my new baby!” ang caption ng larawang ipinost ni Heaven Peralejo nitong Miyerkules ng gabi kasama ang asong nauunang maglakad sa kanya.

Hindi binanggit ng dalaga kung anong lugar ang pinuntahan nila ng bago niyang fur baby, nagandahan kasi kami sa lugar dahil ang ganda ng ulap at maraming puno sa ‘di kalayuan.

Anyway, ang “quick trip with my new baby” kaya ang sagot ni Heaven sa mga larawang ipinost ni Janelle Lewis na current girlfriend ngayon ng dating boyfriend ng una na si Kiko Estrada.

“Quick getaway,” ang caption ni Janelle sa mga ipinost niyang larawang magkasama sila ni Kiko at pamilya nila habang nakasakay sa boat sa Laiya, Batangas.

O, baka nagkataon lang na parehong naisip nina Heaven at Janelle kung ano ang magandang caption na ilalagay nila.

Deactivated na ang dating Instagram account ni Kiko na ginagamit niya noong sila pa ni Heaven.

At hindi rin nagpa-follow sa isa’t isa sina Janelle at Heaven kaya siguradong hindi kinopya ng huli ang caption ng una.

Matatandaang kinlaro ni Janelle na hindi siya ang third party sa hiwalayang Kiko at Heaven noong 2021 dahil dumating siya sa buhay ng aktor ay single na ito.

Ani Janelle, “They were finished a few months before I came into the picture.”

Nakausap si Janelle sa nakaraang face to face mediacon pagkatapos ng screening ng pelikulang “Takas” sa Cinema 76 nitong Lunes kasama ang leading man niyang si Teejay Marquez.

Going back to Heaven ay wala namang paramdam kung kasama niya ang bestfriend niyang si Kimpoy Feliciano sa “quick trip” nila ng bago niyang fur baby at hindi rin niya sinagot ang netizen na nagtanong kung nasaan ang binata.

Pero may isa pang netizen ang nagsabing parang aso ni Kimpoy ang sinasabing “new baby” ni Heaven.
Aliw din ang isa pang netizen sa sinabi niyang, “quick getaway, quick trip”

* * *
                                                          
Pataas na nang pataas ang gigil ng mga manonood sa “The Broken Marriage Vow” ngayong nakumpirma na ni Jill (Jodi Sta. Maria) ang panloloko ng kanyang asawang si David (Zanjoe Marudo) at ng kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez). Napapanood ang serye gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Nanggagalaiti nga sa galit si Jill nang makita niya ang isa pang cellphone ng kanyang mister na naglalaman ng mga litrato kung saan naglalambingan sina David at Lexy. 

Nadurog din ang puso ni Jill dahil nadiskubre niyang trinaydor din siya ng kanyang mga kaibigan dahil matagal na nilang alam ang relasyon nina David at Lexy ngunit itinago nila ito mula sa kanya.

Kahit nasusuklam na sa asawa, wala pang balak si Jill kumprontahin si David at binawi ang desisyong palayasin ito sa bahay alang-alang sa anak nilang si Gio (Zaijian Jaranilla).

Ngunit ang hindi alam ng lahat, umpisa pa lang ito ng paghihiganti ni Jill dahil nangako siyang siya ang tatapos sa gulong sinimulan ng kanyang asawa. 

Sa pagpapatuloy ng kwento, nakatakdang magkrus ang landas ng asawa at ng kabit dahil malalaman mismo ni Lexy mula kay Jill na nagdadalang-tao siya.

Ano ang balak ni Jill para sirain ang relasyon nina David at Lexy? Paano niya tatanggapin ang balitang nabuntis ng asawa niya si Lexy?

Kinunan nang buo sa Baguio ang “The Broken Marriage Vow,” ang Philippine adaptation ng “Doctor Foster,” sa direksyon nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay.

Subaybayan ang “The Broken Marriage Vow” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.

LGBTQ members na-bad trip nang makitang magkasama sina Pacquiao at BB sa US

Miss World PH 2nd Princess Janelle Lewis umaming dyowa na nga si Kiko Estrada: Patay tayo diyan!

Jodi Sta. Maria gigil na gigil, napraning sa manlolokong asawa

The post ‘Quick trip’ post ni Heaven Peralejo sagot nga ba sa ‘Quick getaway’ paandar ng bagong GF ni Kiko? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments