Piolo sa muling pagtatrabaho nang regular sa TV: Talagang parang bata ulit, learning new things…
Piolo Pascual at Pia Wurtzbach
AMINADO ang Kapamilya actor-singer at producer na si Piolo Pascual na parang nagsisimula uli siya pagdating sa pag-arte sa harap ng mga camera.
Makalipas nga ang mahaba-habang panahon ng pagpapahinga sa paggawa ng pelikula at teleserye dulot ng pandemya at pagsasara ng ABS-CBN ay nagdesisyon nang bumalik sa larangan ng aktingan.
Bibida uli si Piolo sa kanyang television comeback next month para sa Kapamilya “sweetcom” na “My Papa Pi” kasama sina Pepe Herrera at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach
“I guess I got excited working because it’s been more than two years since my last TV gig na regular,” pahayag ni Piolo sa nakaraang virtual mediacon ng “My Papa Pi.”
“So talagang parang bata ulit learning new things. Sobra siyang welcome change sa break ng routine mo.
“Masaya lang. Wala namang nagbago. Marami lang kasama ngayon,” dagdag pa ng binata.
Iikot ang kuwento ng “My Papa Pi” sa buhay ni Pipoy (Piolo), isang single dad na gagawin ang lahat para sa future ng kanyang daughter. Gaganap naman si Pepe bilang kakambal niyang si Popoy habang si Pia naman si Tere, ang one great love ni Popoy pero patay na patay naman kay Pipoy.
Sey ni Piolo, agad niyang tinanggap ang nasabing proyekto, “To step out of the box, to do something different and challenging to get out of your comfort zone, it’s always nice to portray something na hindi mo pa nagagawa.
“So it always excites me when I get to discover stuff about what I do or how I can make myself better in terms of execution and output.
“I guess this is really my passion so I just keep on growing and learning and getting there,” katwiran pa ni Papa P.
Samantala, naikuwento rin ni Piolo kung saan at paano nagsimula ang pagtawag sa kanya ng mga fans at taga-showbiz na Papa P.
“It started with Ms. Ai Ai (delas Alas) sa Magandang Tanghali Bayan. I was a guest one time and then she called me Papa Pi and I called her mama Ai and then it just stuck sa ABS-CBN.
“Even the cameramen were calling me papa P. So at first nakakatawa di ba? Pero habang tumatanda ka, kesa tawagin kang tito, okay na yung Papa P. Ha-hahaha!
“Kapag tinatawag kang tito nakakatanda eh. So at least sabi ko okay rin pala yung papa Pi. Okay na yun. Pero it’s really overwhelming you know.
“Nakakatuwa lang because at least you know it’s a term of endearment. So pag may naiilang akong tawagin sa pangalan, yun na lang. Okay na rin yun,” natatawa pang chika ng aktor.
Dugtong pang pag-amin ni Piolo, “Actually at first it was really awkward. Kasi pag mga babae tumawag sa ‘yo ng papa Pi, especially yung mga bata okay lang di ba?
“Pero kasi umabot sa punto na yung mga cameraman ganun tawag sa akin. So napagtanto ko na siguro out of respect na rin sige ibigay na lang natin sa mga tao. Tanggap ko na lang na may show na tayong ganu’n,” chika ng binata.
Magsisimula na ang “My Papa Pi” sa March 5, Saturday, 7 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC at TFC.
True ba, Angelica biglang nagkasakit kaya pinalitan ni Pia sa ‘My Papa Pi’ ni Piolo?
Piolo keribels lang maging Papa P ng bayan: Parang awkward, pero OK lang kesa tawagin kang tito
Kyle Echarri inihanda ng pandemya para mas maging palaban sa buhay
The post Piolo sa muling pagtatrabaho nang regular sa TV: Talagang parang bata ulit, learning new things… appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments