Barbie Imperial sa kanyang ‘worst’ Valentine’s Day: No choice but to move on talaga
KANINANG hatinggabi ang streaming ng “The Goodbye Girl” sa iWantTFC handog ng Dreamscape Entertainment at CleverMinds, Inc., na idinirek ni Derick Cabrido.
Sa ginanap na virtual mediacon for Hugot Talks ng TGG ay natanong ang apat na bidang babae na sina Maris Racal, Loisa Andalio, Elisse Joson, at Barbie Imperial kung ano ang worst at malungkot na Valentine’s Day nila.
Si Elisse ang unang sumagot, “actually marami naman in the past pero ang pinaka-naalala ko ay ‘yung recent na last year because I was away, so, that time I was pregnant already tapos ‘yung hormones ko ang taas tapos ang lungkot-lungkot ng Valentines day ko.”
Say naman ni Maris, “wala akong maalala, sorry. Pero, I’m sure may mga times kasi nakaka-pressure ‘yung mga big moments na about love (like) anniversaries, Valentines, monthsary kapag bagets ka pa, so, definitely may mga Valentines na may away. Malalang away, so, nape-pressure lang kasi ang in love ng lahat, aura at energy ng lahat like one minor mistake could lead into a major argument.
“Sa akin ang pinaka-worst siguro dati pa hindi pa si Ronnie (Alonte) ‘to. Hindi pa ako pinapayagang magkipag date ‘yun ganu’n. Bawal pa kasi, so, ‘yun lang ang naalala ko hindi ako pinayagan ni mama makipag date,” balik-tanaw ni Loisa.
Dagdag pa, “pero nu’ng kami na ni Ronnie wala naman, okay naman ‘yung mga Valentines day namin. Nu’ng unang Valentines naming may ka-loveteam siyang iba, so parehas kaming binigyan ng bulaklak, ‘yun lang naman.”
At nang tawagin si Barbie ay binibiro siya nina Maris, Elise at Loisa kung ngayong araw ba ang worst at saddest V-day ng aktres.
“’Yung akin, ang worst ko when ‘yung break up ko before (Diego Loyzaga) and then parang months after na doon ko nalaman na ‘yung mga dine-deny before, totoo pala tapos nalaman ko ‘yun on Valentines day. But wala na kami, so, parang wala na akong magawa, walang confrontation or anything. No choice but to move on talaga, pero ‘yung betrayal nandiyan pa rin, so, ‘yun,” nakangiting kuwento ni Barbie.
View this post on Instagram
Ano naman ang ‘the best’ Valentines day ng apat.
“I think ‘yung tonight kasi mom ko ang kasama ko, best Valentine’s day,” sabi ni Barbie.
Say ni Loisa, “Lahat naman kung baga ‘yung dalawa lang ‘yung hindi maganda, the rest puro best naman.”
Saan ang selebrasyon nina Loisa at Ronnie, “dinner lang magluluto ako ganyan.”
Ayon naman kay Maris ang unang best V-day niya ay, “yung unang Valentines naming ni Rico kasi ‘yung feeling na secret pa kami no’n, pre-pandemic and may binigay na bulaklak na wala akong choice kundi dalhin sa set kasi saan ko iiwanan and nakakakilig lang ‘yung moment na ‘yun.”
At si Elise, “hindi pa nangyayari, pero feeling ko tonight because were celebrating also with Felize. Pero siguro ‘’yung last two years ago, we were still keeping it a secret sa public, so, parang iba rin kasi ‘yung feeling ng ganu’n mas may privacy, mas feel mo ‘yung each other’s company na walang outsiders.”
Anyway, alamin sa “The Goodbye Girl” series kung bakit ba tayo iniiwan ng mga taong mahal natin? Bakit hindi tayo sapat para sa kanila?
Ang “The Goodbye Girl” ay base sa libro ng best-selling author na si Noreen Capili na tungkol sa iba’t ibang kasentihan ng limang klase ng babae at ang mga aral na matututunan nila mula sa pagmo-move on.
Magsisimula ang kwento kay Yanna (Angelica Panganiban). Pagkatapos hiwalayan ng asawang si Y (RK Bagatsing), ila-livestream niya habang lasing ang kanyang kwento at magva-viral dahil sa dami ng nakaka-relate sa kanya. Mapapansin siya ni Jeff (JC De Vera) at aalukin siyang magsulat ng libro tungkol sa iba’t ibang kwento ng kasawian at ang mga payo na ibinibigay niya sa mga ito.
Makikilala rito ang aktres na si Mara (Loisa), ang “The Clueless Girl.” Tila nasa kanya na ang lahat pero hindi niya lubusang mapagtanto kung bakit lagi siyang iniiwan ng mga kasintahan niya, kabilang na si Gab (Ronnie, na biglaan na lang nakipag-break nang walang sapat na dahilan.
Si Kiera (Barbie) naman ang “The Other Girl,” ang kabit ng may asawang si Franco (Turs Daza). Maiinip si Kiera kay Franco dahil pakiramdam niyang hindi nito pananagutan ang kanilang relasyon. Isang araw, malalaman na lang din ni Kiera na isa lamang siya sa mga naging babae nito.
Nariyan din si Ria (Maris), ang “The Bitter Hopia”. Umaasa siyang masusuklian ng bandistang si Caio (Rico Blanco) ang lumalalim niyang pagmamahal para rito. Dahil “casual” lang ang kanilang relasyon, hindi niya maamin-amin ang totoong nararamdaman para sa binata.
Si Julia (Elisse) naman ang “The Legally Blind”, ang kawawang fiancée ng babaerong si Ean (Joshua Colet). Kahit harap-harapan ang panlalandi nito sa ibang mga babae, kumakapit ang dalaga sa pangako na tutuldukan na nito ang kanyang panloloko sa oras na ikasal na sila.
Related Chika:
Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine’s Day: Happy birthday my Valentino!
Bakit walang plano sina Maris Racal at Rico Blanco para sa Valentine’s Day?
The post Barbie Imperial sa kanyang ‘worst’ Valentine’s Day: No choice but to move on talaga appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments