Donnalyn Bartolome, ginamit ang kaniyang kinita sa vlogging para makapagtanim ng 1,000 mga puno ng kawayan sa Rizal!
Si Donnalyn Jereos Bartolome o mas nakilala natin bilang si Donnalyn ay 26 na taong gulang na YouTube video blogger. Marami ang humahanga sa angkin niyang kaseksihana, kagandahan at mga talento.
Maliban kasi sa pagiging isang vlogger ay isa rin siyang singer, songwriter, rapper at aktres. Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa kaniyang mga subscribers kung saan niya inilaan ang kaniyang kinita sa kaniyang YouTube channel.
Ginamit niya ang kaniyang kinita upang makapagtanim ng 1,000 mga puno ng kawayan sa Rizal. Kalakip ng kaniyang larawan habang masayang nagtatanim ay ibinahagi niyang naging adobokasiya niya ito dahil sa naranasan niya noon dahil sa bagyong Ulysses.
“I feel like people have forgotten what happened to us just months ago with Typhoon Ulysses. I didn’t. I will not,” Pahayag ni Donnalyn.
Makalipas raw ang ilang buwang mga preparasyon, pananaliksik, at tulong ng mga otoridad pagdating sa mga permit at lupang tataniman ng mga buto, buong pagmamalaki niyang ibinahagi na sa wakas ay napagtagumpayan na nila ito. Nais din daw niyang magsilbing inspirasyon sa publiko upang gumawa ng mga paraang makakatulong upang maiwasan na ang pagbaha sa maraming mga lugar sa bansa.
Hinikayat din niya ang mga subscribers niya na panuorin pa ang kaniyang mga vlogs upang mas marami pa silang maitanim na mga puno.
“With the money I earned from YouTube, we will be planting trees to prevent future flooding. Prevention is better than cure. All that subscribing and not skipping ads will all be worth it!” Dagda pa niya.
Maaalalang noong Nobyembre 2020 nang manalanta ang bagyong Ulysses kung saan maraming mga pamilya ang naapektuhan at mga tahanang napinsala. Isa si Donnalyn sa mga tumulong noon gamit ang mga binili niyang bangka upang masagip ang mga taong nangangailangan ang tulong ng mga panahong iyon.
Siya rin ang naglunsad ng charity organization na “Influence Us” na ang layunin ay tulungan ang mga taong naapektuhan ng naturang kalamidad.
Source: GMANetwork
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments