Responsive Ad

Joey de Leon, masayang nagdiwang ng ika-74 niyang kaarawan kasama ang kaniyang pamilya at mahal sa buhay!

Si José María Ramos de León Jr. o mas nakilala ng publiko bilang si Joey De Leon ay 74 taong gulang na komedyante, aktor, host, at songwriter. Isa siya sa kauna-unahang host ng longest running noon-time show na “Eat Bulaga!” noon pang 1979.

Photo Credit: angpoetnyo/instagram

Isa rin siya sa miyembro ng TVJ o ang “Tito, Vic and Joey” na hinangaan ng maraming mga Pilipino dahil sa kanilang pambihirang husay sa pagpapatawa sa telebisyon man o sa mga pelikula. Mayroong limang mga anak si Joey.

Photo Credit: angpoetnyo/instagram

Dalawa sa una niyang asawa na si Daria Ramirez sina Joseph Joachim (“Keempee”) and Jacinda Myrtle (“Cheenee”) at tatlo naman sa asawa niya ngayon na si Eileen Macapagal na sina Jocas Eightria, Jako Raphaelle at Jio Sebastiean.

Photo Credit: angpoetnyo/instagram

Mayroon na siyang apat na mga apo kina Cheenee at Keempee. Tunay nga na napakabilis ng panahon, aminado din naman ang batikang komedyante na hindi naging madali ang mga desisyong ginawa niya noon lalo na nang kaniyang kabataan.

Photo Credit: angpoetnyo/instagram

Ngunit sa kabila nito ay talaga namang nagkaroon siya ng masaya at kuntentong pamilya. Nito lamang ika-14 ng Oktubre ay nagdiwang siya ng ika-74 na taon niyang kaarawan. Dahil nga sa kasalukuyan pa rin tayong dumaranas ng pandemya sa maraming mga lugar sa buong bansa ay hindi nagdiwang ng enggrande ang EB Dabarkads host.

Photo Credit: angpoetnyo/instagram

Bagkus ay inilaan niya ang araw na ito upang makasama ang kaniyang pamilya sa espesyal na araw na ito. Hindi rin naman nakalimutan ng kaniyang mga katrabaho at kapwa host sa “Eat Bulaga!” ang kaniyang kaarawan.

Kinantahan pa nga siya ng “Happy Birthday song” nina Jose, Alden, at Pia. Talaga namang ipinagpasalamat ni Joey ang naging mainit na pagbati ng kaniyang mga katrabaho at kaibigan sa industriya.

Photo Credit: angpoetnyo/instagram

Dahil nga sa kaarawan niya nang araw din mismo na iyon ay ibinalita niya sa mga manunuod ng programa na mas maraming papremyo sa ngayon bilang pagdiriwang ng knaiyang kaarawan. Inulan din naman ng pagbati mula sa mga netizens ang batikang host na si Henyo Master Joey De Leon.

The post Joey de Leon, masayang nagdiwang ng ika-74 niyang kaarawan kasama ang kaniyang pamilya at mahal sa buhay! appeared first on The Daily Feed.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments